February Fondness 2017
Posted on Feb 03,2017 at 10:07
Ngayong Pebrero, nilabag namin ang ilang panuntunan upang kayong lahat ay mabigyan ng higit na kasiyahan..

Halina kayo at ikalat ang kulay ng pag-ibig (o digmaan) sa lupain ng Mu. Lumahok na!



TANAN NA (SECRET VALENTINE)

Tanggapin ang basbas ng sakrmento ng kasal na walang ibang nakakaalam. Gamitin mo ito sa iyong kapakinabangan. Hayaan mong dalhin ka ng irog (o espiya) mo sa mga lugar na dati'y di mo mapunthahan. O kaya nama'y dalhin mo ang mahal (o mamamatay tao) mo sa trono upang umbagin ang hari mong pasaway (di mo pa rin madadala sa Icarus ang asawa mo kung wala siyang pakpak. Ayaw mo naman siya sigurong bumulusok at plumakda sa lupa. Gayun din sa Atlans kung meron siyang kinakabayo - malulunod ang mg iyon). Abutan mo lang kami ng panuhol sa pari, kampanero,a umalahokan para dito.


MAHAL KITA, DINIG MO BA? (LOVE SHOUT OUTS)

Isigaw ang iyong pag-ibig, pagnanasa at kung ano pa sa pamamagitn ng pagkontrata sa umalahokan ng lupain ng Mu, upang gawin ito para sa iyo. Titiyakin ni Manong Umalahokan na ikaw at ng iyong sintang irog ay nakatuntong sa lupain ng Mu bago niya iparinig ang iyong kalooban, upang ikaw, ang mahal mo, at ang buong pamayanan ng Mu ay makita at matandaan ito, sa mahabang panhon. At gaya ng una, aabutan mo lang kami ng panuhol sa umalahokan.


SAAN KA MAN NAROROON, SINTA (LET'S STALK MY LOVE)

Sundan ang iyong sintang irog sa langit man o sa inaapoy na kalaliman ngayong buwan ng Pebrero. Ipagkakaloob ng mga matatandang gahamang salamangkero ang kapangyarihan ng dasal na /TRACE upang magamit mo sa 3 tao. Ang kapangyarihang ito ay magagamit mo sa kahit saan mang lupalop ng Mu (ngunit gaya ng sa mag-aswa, di ka pa rin maaring sumunod sa Icarus ng walang pakpak, atbp... kaya wag makulit). At sa uulitin, suhol lang ang katapat para sa mga tandang salamngkero.


ANG SYOTA KONG SIGA / BAYARANG PAG-IBIG (GIRLFIEND / BOYFIEND FOR HIRE)

Mlungkot ba Pebrero mo? Wag mabahala. Ang Amo ng mga Maligno ay nagpapa-arkila ng pinakamatikas niyang mga alaga para gawin mong nobyo o nobya. Sila rin ay puwede mong gawing pananggalang sa paglilibot mo sa lupain ng Mu. Sinisiguradong hindi sila malalagutan ng hininga sa panahon ng pag-arkila.


MAHAL Q! (I LOVE Q!)

Ikakasal na ang isa sa mga mangangalakal ng lunas. Medyo nasobrahan ang tuwa niya kaya gumawa siya ng lagok-buhay na 20-bote kada tumpok. Yun nga lang, kailangan mo ng imbitasyon sa kasal bago ka mabigyan. Ang lagay eh...

DALAWA, PINAG-ISA (TWO BECOME ONE)

Pagsaluhan ang ligaya kasama ang mahal mo. Bumili ng gamit at ibigay ito sa iyong giliw at magkaroon ng halintulad na gamit para sa sarili mo. Di na ninyo kailangan maghiraman.



Paalala: Ang mga detalye ng promong ito aya maaaring magbago ng walang paunang pasabi.